Posibleng maramdaman ang resulta ng pagbubukas ng ekonomiya mula sa epekto ng COVID-19 pandemic sa susunod na taon.
Ito ang inihayag ni National Economic and Development Authority (NEDA) Undersecretary Rosemarie Edillion. Kung magtutuloy-tuloy pa ang recovery ng bansa aasahan sa susunod na taon ang epekto nito.
Aniya, ngayon pa lamang 2022 ay nakabalik na sa pre-COVID levels ang Pilipinas.
Kailangan na lamang aniya na paigtingin pa ang nararanasan na paglago sa ekonomiya.