Suportado ng Department of Trade and Industry (DTI) ang muling pagbubukas ng iba pang mga establisyimento na nagbibigay ng mga serbisyo sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).
Ayon kay Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, kabilang sa kanilang mga irerekomendang mapayagan nang muling makapag-operate ang mga tutorial services, review centers at internet cafes.
Gayundin ang personal grooming at aestehetic services, pet grooming at drive-in cinemas.
Iginiit naman ni Lopez na makatutulong ang muling pagbubukas ng mga internet cafes para sa pag-aaral ng mga estudyante ngayong new normal.
Magugunitang, nasa ilalim ng GCQ ang ilang lugar sa bansa kabilang na ang Metro Manila hanggang Hulyo 31.