Naging mapayapa ang pagbubukas ng ikalawang araw ng plebisito kaugnay sa Bangsamoro Organic Law o BOL ngayong araw na ito.
Ayon ito kay Commission on Elections (Comelec) Spokesman James Jimenez sa kabila nang pagsabog sa Lanao del Norte kagabi.
Sinabi ni Jimenez na mayorya ng mga polling precincts ay nakapagbukas sa tamang oras at pawang senior citizens ang maagang pumila para bumoto.
Malalaman na aniya sa susunod na apat na araw ang resulta ng nasabing plebisito.
Kasabay nito, inihayag ni Jimenez na inaalam pa kung may kaugnayan sa karahasan sa eleksyon ang mga narekober na baril sa isang alkalde sa Pantar, North Cotabato, bagamat malinaw na paglabag ito sa election gun ban.
Voters are reminded to write either “Yes” or “No” or any equivalent in their local language/dialect in Dilangalen Central Elementary School, Midsayap, North Cotabato. They are voting for the inclusion of their area in the BARMM in the #BangsamoroPlebiscite. pic.twitter.com/YoJHnMpJfd
— COMELEC (@COMELEC) February 5, 2019
Women and Senior Citizens are among the early voters in Midsayap Pilot Elementary School, Midsayap, North Cotabato for the #BangsamoroPlebiscite. pic.twitter.com/yGkNLtKjcB
— COMELEC (@COMELEC) February 5, 2019
Transition Authority
Nakalinya na ang bubuo sa walumpung (80) miyembro ng Bangsamoro Transition Authority (BTA).
Ang nasabing listahan, ayon kay Office of the Presidential Adviser on the Peace Process o OPAPP Secretary Carlito Galvez ay isusumite niya sa Pangulong Rodrigo Duterte sa buwang ito.
Tumanggi pa si Galvez na tukuyin ang mga miyembro ng BTA na kung aaprubahan ng Pangulo ay kaagad namang papanumpain sa puwesto.
Ang mabubuong BTA ang senayles na uusad na ang pagtatatag ng Bangsamoro Autonomous Region in Mulim Mindanao (BARMM) para sa ganap na pagpapatupad ng Bangsamoro Organic Law.
—-