Suportado ni Senador Leila De Lima ang muling pagbubukas ng imbestigasyon ng senado hinggil sa DDS o Davao Death Squad.
Ito’y matapos ang ginawang public confession ni Retired SPO3 Arthur Lascañas na umano’y lider ng DDS.
Ayon kay De Lima, sapat na itong basehan para muling imbestigahan ng senado ang naturang usapin.
Matatandaang tinerminate ni Justice Committee Chairman Richard Gordon sa usapin sa davao death squad dahil sa tingin nila ay damaged witness ang unang nagpakilalang miyembro ng DDS na si Edgar Matobato.
By Meann Tanbio |With Report from Cely Bueno