Winelcome ng Pangulong Rodrigo Duterte ang mga estudyante, guro at maging ang mga magulang sa pagbubukas ngayong araw na ito ng distance learning para sa school year 2020-2021.
Ayon sa pangulo, ang pagbubukas ng klase ay hindi mahahadlangan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Isa rin ito aniyang bagong era sa basic education program ng bansa dahil sa distance at online learning na malaking hamon sa lahat.
Pinuri ng pangulo ang Department of Education sa determinasyong isulong ang edukasyon kahit pa may krisis para sa tuluy-tuloy na pag-aaral ng mga estudyanteng Pilipino.
We now venture into distance and online learning. It is a challenging frontier. I wish you all the best in your academic journey,” ani Duterte.