Hindi uubrang ipagpaliban ang pagbubukas ng klase sa bansa ng lampas ng buwan ng Agosto.
Ayon ito kay Senador Sherwin Gatchalian maliban na lamang kung a-amyendahan ang batas sa gitna na rin nang paglaban ng bansa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sinabi ni Gatchalian na dapat magkaruon na ng mas kumpletong detalye hinggil sa magiging pasukan sa buwang ito dahil hindi naman aniya u ubrang maghintay ng labing walong buwan bago buksan muli ang klse dahil sa panahong iyan pa magiging available ang bakuna kontra sa naturang virus.
Ipinabatid ni gatchalian, chairman ng senate committee on basic education, arts and culture na nagkaruon siya ng virtual consultative meeting sa Department of Education (DepEd) na ipinaalam sa kaniya ang contingency plan nito para sa school year 2020 – 2021.
Kabilang dito aniya ay kung magkakaruon ng pasok sa darating na Hunyo o wala, klase ng pagtuturo at ikakasang methodology lalo pat kailangan pa ring gawin ang social distancing, walang maramihang pagtitipon at iba pa.