Buong pagmamalaking sinabi ng Department of Education na itong pagbubukas ng klase ang pinakamaganda para sa kanila.
Ayon kay DepEd Secretary Armin Luistro, wala silang namonitor na malawakang problema sa mga paaralan.
Aniya, agad kasing nasolusyunan ang mga naiulat na mga aberya tulad ng hindi naka-enroll na mga estudyante at sobrang pagsisikip sa mga eskwelahan dahil sa pagdagsa ng mga mag-aaral.
Samantala, inaasahan ni Luistro na Singkwenta porsyento ang itataas ng bilang ng mga Grade 11 na mag-e-enroll kumpara sa nagdaang enrollment ng mga Fourth year student.
By: Avee Devierte