Tuloy ang pagbubukas ng klase sa ika-24 ng Agosto.
Ito ang inihayag ng Malacañang matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagbibigay ng kapangyarihan sa kaniya para baguhin ang petsa ng pagbubukas ng klase.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, magkakaroon lamang ng pagbabago kung mayroong bagong rekomendasyon na manggagaling sa Department of Education (DepEd).
Ngunit, aniya, magbibigay ito ng flexibility sa ehekutibo kung sa tingin nila ay mas kinakailangan pa ng mas mahabang panahon bago magbalik-eskwelahan ang mga bata.
Samantala, nananatili pa rin umanong ipatutupad ang blended learning sa pagsisimula ng klase.