Tuloy ang pagbubukas ng klase sa Cordillera Administrative Region (CAR) sa Agosto-a-20 dos sa kabila ng naganap na magnitude 7.3 na lindol sa rehiyon.
Ito ang tiniyak ni Department of Education (DEPED) Assistant Secretary Francis Cesar Bringas sa harap ng House Committe on North Luzon Growth Quadrangle.
Kaugnay nito, naapektuhan ng nagdaang lindol ang enrollment turnout sa CAR kung saan nasa 232,000 o 52% lamang ng kabuuang bilang ang nagpatala.
68% o 653,000 naman sa Cagayan Valley habang 80% o mahigit 811,000 ang mga nag-enrol sa Ilocos Region para sa balik eskwela.