Wala nang makapipigil pa sa muling pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan simula sa Lunes, Oktubre 5.
Ito’y sa gitna na rin ng ipatutupad na distance learning bunsod ng nararanasang krisis pangkalusugang dulot ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Education Usec. Nepomuceno Malaluan, isang virtual flag raising ceremony ang sabay-sabay na eere sa mga partner radio at TV stations ng DepEd sa umaga bago magsimula ang online classes.
Mahigpit na ipatutupad ang 50% work force para sa mga school staff habang hindi naman kailangang mag-report sa paaralan ang mga guro.