Sasabayan ng kilos protesta ng grupong Anakbayan ang pagbubukas ng klase ngayong araw bilang pagkondena sa pagpapatupad ng K to 12 Program ng gobyerno para sa school year na ito.
Magtitipun-tipon ang mga demonstrador sa Araulo High School sa UN Avenue sa lungsod ng Maynila at susuyurin ang mga paaralan para hikayating sumama sa kanila patungong UST na siyang tutulak naman sa Mendiola.
Bukod dito, magkakaroon din ng pagtitipon sa iba pang mga paaralan sa Metro Manila tulad ng Batasan National High School sa Quezon City; Andres Bonifacio Integrated School sa Mandaluyong; Jose Fabella High School sa Mandaluyong at Muntinlupa High School.
Gayundin ang Manila Science High School at Ramon Magsaysay High School naman sa lungsod ng Maynila mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-2:00 ng hapon.
By Jaymark Dagala
Photo Credit: anakbayantoronto.wordpress