Ipinagbabawal pa rin ang pagbubukas ng mga leisure at entertainment venues sa mga lugar na nasa ilalim ng heightened General Community Quarantine (GCQ) sa bansa simula bukas, ika-15 ng Mayo.
Ito ay ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, hindi pa din pinapayagan ang pagbubukas ng mga bars, concert, cinemas, theater, arcades, internet cafes, amusement parks, playground, casino, at sabong sa NCR plus.
Bukod dito, nasa 30% na kapasidad lamang ang maaari sa mga personal care services at outdoor tourist attractions.
Habang pinapayagan naman ang 20% na seating capacity sa mga indoor dine in services sa NCR plus at nasa 50% naman na kapasidad sa al fresco dining.
Samantala, 10% lamang na capacity pinapayagan sa mga binyag, kasal, burol at iba pang religious gatherings.
— sa panulat ni Rashid Locsin