Nausog ang pagbubukas ng moderno at mala-world class na Manila Zoo sa November 21 ng kasalukuyang taon.
Sinabi ni Mayor Honey Lacuna na ito ay para bigyang panahon at daan ang final preparations para sa muli nitong pagbubukas kaya’t ipinagpaliban muna ito mula sa naunang petsa ng pagbubukas sa Nobiyembre a-15.
Bukas naman ang naturang Amusement Park mula alas-9 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi.
Samantala, mayroon nang Admission Fee kapag bibisita sa Zoo ngunit tiniyak ni Lacuna na magkakaroon pa rin ng diskwento.
- Para sa mga mag-aaral at nakatira sa Maynila- P100.00,
- May 20% discount ang mga senior citizen at PWD,
- Kailangang magbayad ng P150.00 entrance fee ang mga residente ng lungsod.
- Ang Admission fee naman para sa mga Non-residents ay P300.00 at P200.00 naman para sa mga mag-aaral na non-resident.
Libre namang makapapasok ng Zoo ang mga batang edad dalawang taong gulang pababa. —sa panulat ni Hannah Oledan