Masusing pinag-aaralan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) kung papayan na ang muling pagbubukas ng mga barbershops at salon sa gitna ng ipinatutupad na community quarantine.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, tulad ng isyu sa religious gatherings, matagal na ring pinagtatalunan sa pulong ng iatf ang usapin sa mga barbeshops at salon.
Sa katunayan aniya, ilang beses na ring pinayagan at binawi ng IATF ang kanilang pasiya sa nabanggit na usapin.
Sinabi ni roque, posibleng magkasundo na ang IATF na payagan nang muli ang pagbubukas ng mga barbershops at salon pero magpapatupad aniya ng sistema para sa pagbibigay ng acreditation sa mga barbero o manggugupit.
Gayunman, pinaalala ni Roque na sa kasalukuyan, hindi pa rin kasama ang mga barbershops sa mga negosyo na maaari nang muling magbalik operasyon sa ilalim ng general community quarantine.