Maaaari nang kumain sa mga restaurants simula sa June 15.
Ayon kay Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, aprubado na ng Inter Agency Task Force (IATF) ang unti-unting pagbubukas ng mga dine in restaurants kahit sa mga lugar na nasa general community quarantine (GCQ).
Gayunman, hanggang 30% lamang anya ng kapasidad ng establisimiyento ang papayagang makapasok para sa dine in.
Maliban dito, kasado na rin ang safety protocols tulad ng isa at kalahating metrong layo sa pagitan ng mga upuan at mesa at paglalagay ng acrylic o clear glass sa pagitan ng bawat customer.
Sinabi ni Lopez na magkakaruon ng random checks sa mga restaurants sa sandaling magbukas na ang mga ito.