Ipinag-utos na ng Department of Health o DOH sa lahat ng ospital na buksan ang kani-kanilang measles fast lane.
Ito’y sa gitna ng projection ng DOH na posibleng sa Abril o Mayo ay maaaring kontrolado na ang tigdas outbreak.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, sa ngayon ay mayroong “rising trend” o papataas pa rin ang bilang ng nagkakasakit kaya’t mahalagang magsimula sa mga ospital ang hakbang kontra tigdas.
Sa datos ng kagawaran, umabot na sa 5,600 ang measles cases kung saan umakyat na sa 87 ang namatay sa buong bansa simula Enero 1.