Posibleng sa susunod na taon pa magbukas ang mga paaralan sa Metro Manila para sa face to face classes.
Ayon sa Department of Education, nakadepende ang umano ito sa magiging risk assessment at kalagayan ng covid-19 sa rehiyon.
Magugunitang, ang expansion phase ay ikalawang bahagi ng three-part plan ng pamahalaan na ibalik ang face-to-face classes sa mga paaralan sa bansa.
Sa kasalukuyan nasa isandaan at dalawampung paaralan pa lamang ang pinayagang magbukas para sa limited face to face classes bilang bahagi ng pilot phase nito.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, maraming alkalde ng Metro Manila ang nag-aalangan pa na ibalik ang mga estudyante sa paaralan.
Samantala, sa ngayon tanging Taguig City pa lamang ang nakikitang kwalipikado para magsagawa ng in person classes sa NCR.