Kasado na ang ika-4 na pag uusap ng pamahalaan at National Democratic Front of the Philippines o NDFP sa The Netherlands mula Abril 2 hanggang 6.
Mismong ang ambassador ng Norway, ang third party facilitator ng peacetalks ang nagpahayag sa pagkakasundo ng government at NDFP peace panels na ipagpatuloy ang pag uusap.
Ayon kay Norwegian Ambassador to the Philippines Erik Forner, tututok sa social at economic reforms at sa bilateral ceasefire ang ika-4 na yugto ng pag-uusap.
Sinabi ni Forner na nakita nila na pursigido ang magkabilang panig na matamo ang kapayapaan kaya’t nagpasya sila na pangasiwaan ang pag uusap.
By Len Aguirre