Pormal nang ini-usog ang pagbubukas ng Premier Volleyball League (PVL).
Ayon kay League President Ricky Palou, imbes na ngayong darating na Pebrero 16, ini-usog pa ito sa Marso 16.
Ito ay para mabigyan ang mga miyembro ng mahabang panahon na makapaghanda.
Imbes naman na sa tatlong buwang laban, magiging apat na linggo na lamang ito.
Tinitignang venue ng kompetisyon ang aquamarine Sports Complex sa Lipa, Batangas at Royale Tagaytay sa Alfonso, Cavite. —sa panulat ni Abby Malanday