Nakatakda nang buksan sa mga pasahero ng Philippine National Railways (PNR) ang ruta nitong San Pablo, Laguna hanggang sa Lucena City, Quezon bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Inihayag ni PNR General Manager Junn Magno na isinailalim na sa test ang San Pablo-Lucena Line na muling aarangkada bago mag-Hunyo 30 o magtapos ang termino ni Pangulong Duterte.
Oktubre 2013 nang itigil ang operasyon ng 44 kilometer Provincial Commuter Railway line na bahagi ng Commuter Train Service patunong Bicol.
Sa oras na muling mag-operate, magiging isang oras at 15 minuto na lamang anya ang biyahe mula San Pablo hanggang Lucena vice versa.
Samantala, posible namang hindi lalampas sa 100 pesos ang pamasahe sa nabanggit na ruta.