Sa Marso na sisimulan ang muling pagbubukas ng mga tradisyonal na sinehan sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).
Ito ang inanunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque, isang araw matapos umapela ang mga alkalde sa Metro Manila na muling irekonsidera ang naging desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Ayon kay Roque, kinakailangan pang ipagpatuloy ang isinasagawang mga konsultasyon bago ito ganap na maipatupad.
Mabibigyan din aniya ng panahon ang mga lokal na pamahalaan na makabuo ng guidelines para sa muling pagbubukas ng mga sinehan.
Dagdag ni Roque, nakapaloob na sa naturang guidelines ang kapasidad na papayagan sa mga sinehan.
Ang pagbubukas ng sinehan is subject to LGU’s issuance of guidelines. So, kung yung mga LGUs ay nag-issue na ng mga guidelines wala nang hadlang para sila ay magbukas, ang mga tumututol ngayon ay mayroon ng further consultations ang the mayors of Metro Manila,” ani Roque.