Pinaghahandaan na ng Commission on Elections o COMELEC ang muling pagbubukas ng voters’ registration para sa 2019 national and local elections.
Ayon sa COMELEC, abala na sila sa kanilang preparasyon para sa pagtatala ng mga bagong botante sa buwan ng Hunyo o Hulyo ngayong taon.
Gayunman, sinabi ng COMELEC na wala pang pinal na petsa sa pagbubukas ng voters’ registration ngunit agad anila itong i-aanunsyo oras mapagdesisyunan nila ito.
Matatandaang huling nagdaos ng voters’ registration ang COMELEC mula Nobyembre 6 hanggang 30 ng nakaraang taon para sa barangay at Sangguniang Kabataan elections na matagumpay na naidaos nito lamang sa Mayo 14.
—-