Isinusulong ni Congressman Alfredo Garbin ang pagbubukas sa maraming players nang paghahatid ng serbisyo ng tubig.
Tiniyak ni Garbin na maipapasa at maisasabatas ang public utilities bill na layong palawakin at bigyang pagkakataon ang ibang kumpanya sa water service sector.
Kapag naging batas na ang nasabing panukala, sinabi ni Garbin na simula ito ng katapusan ng paghahari-harian ng Manila Water at Maynilad lalo na’t kinansela na rin ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang extension ng concession agreement at pagpapaliban sa dagdag-singil sa January 2020.
Kasabay nito, iginiit ni Garbin ang paglaban sa tuluyang pabasura sa nasabing kasunduan at manananatiling nakabantay sa hindi patas na business practices ng mga water concessionaires.