Unti-unti ang gagawing pagbubukas ng Baguio City sa turismo nito.
Binigyang diin sa DWIZ ni Baguio City Benjamin Magalong na calibrated o graduated ang gagawin niyang pagbubukas ng kanilang turismo para na rin matiyak ang kaligtasan ng lahat.
Kailangan aniyang masunod ang tatlong “S” para makaiwas sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Surely, slowly, and safely ang opening. Kaya nga inuna muna natin itong Region 1 dahil pareho po kami ng status, ito ‘yung tinatawag po namin na Ridge and Reef toursim bubble, ibig sabihi, pa-mountain to coastline, so, ito na po ang sinuportahan ng Department of Tourism,” ani Magalong.
Sinabi pa ni Magalong ay maaaring sa susunod na buwan ay tuluyan na ring maibubukas ng Baguio City ang turismo sa iba pang rehiyon, depende sa magiging sitwasyon.
Once po na matuto po kami rito dahil syempre, itong pagbubukas ng ating tourism industry under the new normal ay hindi pa natin kabisado. Mabuti na po ‘yung unti-unti, pag-aralan natin, ma-experience natin, matuto tayo rito na i-mange itong sitwasyon, bagong sitwasyon, saka po kung bihasa na po tayo, pwede na po tayong mag-open. Siguro mga 1 month na matuto po tayo, tapos io-open na namin sometime October,” ani Magalong. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas