Naghahanda na ang pamunuan ng Department of Tourism (DOT) sakaling magkaproblema sa pagbubukas ng turismo sa gitna ng nagpapatuloy na banta ng COVID-19.
Ayon kay Tourism Undersecretary Benito Bengzon, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng ahensya sa pamunuan ng Inter-Agency Task Force (IATF) at mga LGU’s para sa anumang maaaring maging epekto sa kapakanan ng mga bibisitang turista.
Binigyang diin din ni Bengzon, na maingat ang ginagawa nilang hakbang at proseso sa pagbyahe ng mga turista, para masigurong hindi magiging dahilan ng pagkalat ng virus ang pamamasyal ng mga turista.
Iginiit naman ng tourism department na ang naturang hakbang ay magiging paraan para muling sumigla ang turismo at negosyo sa naturang lugar.