Nakatakdang imbestigahan sa Kamara ang di umano’y maanomalyang kontrata na pinasok ng pamahalaan sa isang pribadong kumpaniya hinggil sa pag-iimprenta ng mga pasaporte.
Ito’y matapos ibunyag ni dating Department of Foreign Affairs o DFA Secretary Perfecto Yasay Jr. na ipinasa ng APO Production Unit sa kumpaniyang United Graphic Expression Corp. o UGEC ang pananagutan nito sa pag-iimprenta ng mga pasaporte makaraang bitiwan na ito ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP.
Ayon kay Bayanmuna Partylist Representative Carlos Zarate, ito ang nakikita niyang dahilan kaya’t usad pagong ang pagpo-proseso ng DFA sa mga pasaporte lalo’t nasa sampung (10) taon na ang buhay nito.
Mahigpit aniyang ipinagbabawal ng batas ang pagpasok ng isang pribadong kumpaniya sa pag-iimprenta ng mga pasaporte lalo’t naglalaman ito ng mga sensitibong datos na posibleng maging banta sa pambansang seguridad.
—-