Naniniwala ang Malacañang na may basehan ang isiniwalat ni Pangulong Rodrigo Duterte na konektado at recruiter ng CPP-NPA ang Makabayan Partylist.
Ayon kay Acting Presidential Spokesperson Secretary Martin Andanar, alam ng lahat nanakakarating kay Pangulong Duterte ang lahat ng impormasyon kasama na rito ang mga sensitive information na mula sa Intelligence community.
Kaya nakatitiyak aniya ang palasyo na may pinanghahawakang katibayan ang punong ehekutibo hinggil sa inihayag nitong may koneksyon sa rebeldeng grupo ang naturang partylist.
Samantala, ginawa ng pangulo ang pagbubunyag na ito paraprotektahan at maiwasang mahikayat ang mga mag-aaral na nasa kolehiyo na sumali sa kanilang grupo. —sa panulat ni Airiam Sancho, ulat mula kay Jopel Peleñio (Patrol 17)