Masusing iimbestigahan ng pambansang pulisya ang naging pagsisiwalat ni Wilford Palma kaugnay sa tangkang pagpatay kay Pangulong Rodrigo Duterte
Ayon kay C/Supt. Roel Obusan, direktor ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG, hindi nila ipinagwawalang bahala ang pagbubunyag ni Palma na miyembro ng isang sindikato
Aalamin aniya ng pulisya kung mayruon talagang grupo o indibiduwal ang umorder ng mga pyesa ng baril para patayin ang Pangulo
Gayunman, naniniwala si Obusan na hindi si Palma ang gagawa ng nasabing planong pagpatay sa punong ehekutibo
Sa ngayon, sinabi ni Obusan na kanila nang binigyan ng sapat na seguridad si Palma para matiyak ang kaligtasan nito habang nasa kanilang pangangalaga
By: Jaymark Dagala