Dumipensa ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga batikos ng ilang kritiko kaugnay sa planon nitong buwisan ang mga online stores sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Sa virtual hearing ng House Committee on Ways and Means, binigyang diin ni BIR commissioner Ceasar Dulay na hindi na bago ang pagbubuwis sa online business.
Taong 2013 pa aniya mayruong inibalas na memorandum ang BIR na nag-aatas sa mga onlines business na sumunod sa umiiral na tax code ng bansa.
Ayon naman kay BIR deputy commissioner Arnel Guballa, ang inilabas nilang memo ngayon ay bilang paalala lamang sa mga nasa online business na kailangan nilang magparehistro at magbayad ng kaukulang buwis.
Una nang nanindigan ang BIR na ang inilabas na bagong memorandum ay para lamang sa mga malalaking online stores habang kinakailangan lamang magparehistro sa BIR ng mga maliliit na online sellers upang hindi mapatawan ng penalty.