Suportado ng ilang senador ang pagkolekta ng buwis sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOS).
Ayon kay Sen. Sonny Angara, maaaring magamit ang malilikom na buwis sa POGOS sa mga universal health care, pensyon sa mga sundalo at libreng edukasyon sa kolehiyo.
Bukod dito, ipinabatid naman ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto, na may akda ng Senate Bill No. 1295, ang panukala para sa pagbuo ng ‘tax regime’ sa pogos, kumita sana umano ang pamahalaan ng halos tatlumpu’t walong bilyong piso, kung nuong 2019 ay nakakolekta ito ng buwis sa POGO.
Samantala, layunin naman ng panukalang inihain ni Sen. Imee Marcos na Senate Bill No.2076 na magkarron ng malinaw na batas para sa paniningil ng buwis sa POGOS gayundin sa mga nagtatrabaho sa industriya. —sa panulat ni Rashid Locsin