Walang dapat ika-alarma ang mga residente sa paligid ng bulkang Bulusan hinggil sa kakaibang aktibidad nito
Ito’y ayon sa PHIVOLCS ay dahil sa normal lamang ang Phreatic Explosion o ang pagbuga ng usok at abo sa mga bulkan
Ayon kay PHIVOLCS Resident Volcanologist Ed Laguerta, hinihintay pa ng kanilang mga tauhan ang resulta ng kanilang ginawang pagsusuri sa mga nakolekta nilang abo sa bulkan
Kasalukuyan na aniyang nasa central office sa Quezon City ang ash sample upang matukoy kung may pagbabago nga ba sa chemical composition nito
Pagtitiyak pa ni Laguerta, masusi pa rin nilang binabantayan ang aktibidad ng bulkan at maka-a-asa aniya ang publiko na up to date ang mga ilalabas nilang impormasyon
By: Avee Devierte