Mas humina pa ang naitalang pagbuga ng usok ng Bulkang Taal sa nakalipas na magdamag.
Ayon sa Taal Volcano Bulletin, sa nakalipas na 24-oras ay nakapagtala ng weak emission ng steam laden plumes sa bulkan na ang taas ay umabot sa 50 meters hanggang 500 meters.
Nasukat naman sa average na 231 tons per day ang sulfur dioxide emission ng Bulkang Taal.
Nasa kabuuang 223 volcanic earthquakes na pawang mahihina lamang at hindi naramdaman ang naitala.
Gayunman, sinabi ng PHIVOLCS na nananatili sa Alert Level 3 ang Taal Volcano at pinapayuhan pa rin ang publiko na maaari pa ring magkaroon ng phreatomagmatic explosions, volcanic earthquakes, ash fall at lethal volcanic gas explosions.
Patuloy pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa Taal Volcano Island kabilang ang nasa 7-kilometer radius mula sa main crater ng Bulkang Taal.