Nagkaroon ng bahagyang mas malakas na pagbuga ng abo sa Bulkang Taal kaninang umaga.
Ayon sa PHIVOLCS 5:00 ng madaling araw nang maitala ang mas mataas na ash emission at ang ibinugang usok ay kulay puti.
Sinabi pa ng PHIVOLCS na moderate at makapal na steam ang ibinuga ng bulkan.
Binigyang diin ni PHIVOLCS Director Renato Solidum na ang nasabing kaganapan ay indikasyon lamang ng patuloy na aktibidad ng Bulkang Taal.
Ang pagbubuga aniya ng abo ay dahil sa patuloy na paggalaw ng magma sa loob ng nasabing bulkan.