Kumpiyansa ang Malakaniyang na mabubuhay lalo ang ekonomiya ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi malabong mangyari ang tinatawag na Christmas economics sa gitna ng nararanasang pandemya bunsod ng COVID-19.
Gaya kasi aniya ng naging sitwasyon sa mga nagdaang araw sa Divisoria kung saan pinuntahan pa rin ng mga tao para mamimili.
Gayundin umano ang pagtangkilik pa rin ng publiko sa mga tianggian at night market sa Baguio.
Gayunman nagpaalala si Roque sa publiko na mahalaga pa ring maging maingat dahil napakahalaga ng kalusugan lalo na sa panahon ngayon.
Hindi umano dapat magpakakampante dahil nariyan pa rin ang banta ng COVID-19 at wala pang bakunang pangkontra dito.