Itinuturing ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na isang hamon para sa muling pagsasabuhay ng Pasig River Ferry ang napakaraming water lily sa Ilog Pasig.
Ayon kay MMDA EDSA Traffic Chief Col. Bong Nebrija, isa ito sa mga dahilan kung bakit nagpapatupad ng suspensyon ng biyahe ng ferry.
Paglilinaw nito, tinitingnan nila ang kondisyon ng Ilog Pasig sa tuwing may operasyon ang naturang ferry systems.
Kung makapal aniya ang mga water lilies ay sinususpinde na lamang nila ang biyahe kaysa masira ang mga ferry o madelay ang operasyon.
Kadalasang dumadami ang mga water lilies sa Ilog Pasig tuwing huling bahagi ng taon.
Magugunitang nagkaroon ng relaunching ang Pasig River Ferry System sa pangunguna ng MMDA at mga lokal na pamahalaan ng mga lungsod ng Maynila at Pasig.