Pinaburan ni PNP Chief dir. Gen. Ronald Dela Rosa ang planong pagbuhay sa Philippine Constabulary ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ipinaliwanag ni Dela Rosa na magandang magkaroon ng police unit na direktang magrereport sa Pangulo ng bansa, upang matiyak na mayroong check and balance sa kanilang hanay.
Sinabi ni Dela Rosa na sa ngayon ay nakokontrol ng lokal na pulitiko ang lokal na pulis, kaya nagkakaroon at nakakalusot ang mga maling gawain.
Ayon kay Dela Rosa, miyembro palang siya ng Davao police at alkalde palang si Pangulong Duterte ay kanila nang napag usapan ang pagbuhay sa Philippine Constabulary.
By: Katrina Valle / Jonathan Andal