Tinawag na mapanganib ni Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) Secretary General Renato Reyes ang planong muling pagbuhay sa Anti-Subversion law.
Aniya, hindi solusyon ang pagbuhay sa naturang batas dahil palpak na ito noong mga taong umiiral pa ito sa bansa at marami raw dahilan para mag-alsa ang mga mamamayan.
“Yung Anti-Subversion law same stuffs yung revolutionary movement nung 60’s, 70’s, at 80’s kasi kahit may anti-subversion law ka kung marami namang naghihirap, laganap yung kahirapan at human rights violation patuloy lang mag aalsa yung mamamayan. Kailangan maghanap sila ng ibang solusyon, hindi anti-subversion law nag tugon sa mga ganung problema.” Ani Reyes
Maaari pa raw kasing tumaas pa ang kaso ng pang-aabuso katulad ng nangyari umano sa oplan tokhang.
Dagdag pa nito, kailangan pa umanong maging matibay ang oposisyon ng mga mamamayan dahil parami na raw nang parami ang mga batas na naglilimita sa karapatang pantao.
“Dapat talaga dyan merong strong opposition ang ating mga kababayan kasi nga po ang feeling naming padami ng padami yung mga gusto nilang ipataw na batas na naglilimita doon sa karapatan ng mamamayan.” Ani Reyes.
Tinig ni BAYAN Secretary General Renato Reyes sa panayam ng DWIZ, Ratsada Balita.