Dumipensa ang Malacañang sa planong pagbuhay sa Bataan nuclear power plant.
Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, isa lamang ito sa nakikita nilang paraan upang mapatatag ang suplay ng kuryente sa hinaharap.
Pinag-aaralan pa lamang anya ito kasama ng pag-aaral sa iba pang puwedeng pagkunan ng enerhiya.
Base sa pagtaya ng Department of Energy (DOE), madodoble na ang pangangailangan sa suplay ng kuryente sa mahigit 30,000 megawatts pagsapit ng 2030.
Sinabi ni Cusi na tinitignan rin nila ang 27 milyong pisong gastos kada taon para sa pangangalaga sa hindi naman nagagamit na Bataan nuclear power plant.
By Len Aguirre