Nagpahayag na pangamba ang mga British investor sa isinusulong na muling pagbuhay sa death penalty sa Pilipinas.
Ayon kay outgoing United Kingdom Ambassador Asif Ahmad, kinuwestyon ng mga ito ang nakaambang paglabag ng Pilipinas sa nilagdaan nitong international treaty nagbabasura sa parusang kamatayan.
Natatakot ang mga ito na ganoon na lamang kadaling talikuran ng Pilipinas ang isang international agreement pano pa kaya ang isang commercial treaty.
Aniya, naaalarma rin ang naturang mga dayuhang mamumuhunan kaugnay sa magulong kalagayang pulitikal sa bansa at sa mataas na bilang ng mga napapatay sa anti – illegal drugs campaign ng gobyerno.
By Rianne Briones