Malaki ang tiyansang makalusot nang maaga sa Senado ang panukalang batas na naglalayong buhayin ang parusang bitay.
Ayon kay presumptive Senate President Koko Pimentel, inaasahan niyang maipapasa na ito sa buwan ng Oktubre, taong kasalukuyan.
Sinabi ni Pimentel na itutulak na sa Hulyo 25 ang bill sa unang araw ng pagbubukas ng 17th Congress.
Kumpiyansa rin ang senador na makakalusot ito sa loob lamang ng tatlong buwan.
By Jelbert Perdez