Suportado ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang naging panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kongreso na buhaying muli ang parusang kamatayan para sa mga karumal-dumal na krimen.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, kinakailangan aniyang timbanging maigi ng kongreso kung ano ang mga krimeng dapat patawan ng parusang bitay tulad ng pagkakasangkot sa iligal na droga.
Naniniwala ang kalihim na karamihan o halos lahat ng mga karumal-dumal na krimen ay konektado pa rin sa iligal na droga kaya’t panahon na upang igawad dito ang pinakamabigat na parusa.
Gayunman, tila malambot naman si Año sa sinabi ng pangulo na isama sa patawan ng parusang bitay ang mga mapatutunayan sa kasong pandarambong o paglustay sa pondo ng bayan.
Giit pa ni Año, ang mga bansang katulad ng Malaysia at Indonesia ay nagpapataw ng parusang kamatayan sa mga nasasangkot sa iligal na droga kaya’t hindi aniya malabo na ipatupad din ito sa bana.