Dapat nang buhayin ni Pangulong Noynoy Aquino ang IACEH o Inter Agency Committee on Environmental Health.
Panawagan ito ng TUCP-Nagkaisa o Trade Union Congress of the Philippines-Nagkaisa sa Pangulong Aquino.
Layon nito na makabuo anila ng plano ang pamahalaan sakaling matagal na manatili sa Visayas at mindanao ang haze na galing sa Indonesia.
Ayon sa grupo, dapat ring may nakahandang plano ang gobyerno kung ano ang dapat gawin sakaling makarating ang haze sa National Capital Region.
Ang IACEH ay binuo noong 1991 para sa mabilis na pagtugon ng pamahalaan laban sa mga environmental hazzards na maaaring makaapekto sa mga Pilipino.
By Len Aguirre