Kinondena ng mga legal experts ang plano ng Senate Blue Ribbon Committee na muling buhayin ang imbestigasyon sa umano’y graft charges laban kay Vice President Jejomar Binay.
Ayon kina dating Integrated Bar of the Philippines (IBP) President Vicente Joyas at University of the Philippines Law Professor Harry Roque Jr., pag-aaksaya lamang ng panahon at pera ang gagawin ng Senado kung saan magkakaroon din ng ‘duplication of investigation’.
Mas makabubuti anila kung ipauubaya na lamang ng Senado sa Ombudsman ang imbestigasyon lalo pa’t magiging abala na rin sa pangangampanya ang mga senador sa halalan.
Giit naman ni Atty. Joyas, dapat ding ibigay na ng Senado ang kanilang hawak na ebidensya sa Ombudsman na siyang tututok sa lahat ng ebidensya at ang pagkuwestiyon sa mga akusado.
By Mariboy Ysibido