Pinayuhan ni Senador Panfilo Lacson ang gobyerno na pag aralan muna ang pag kunsider ng Administrasyong Duterte sa pagbuhay sa Philippine Constabulary
Ito ayon kay Lacson ay dahil hindi naman malinaw kung sa gagawing pagbuhay sa PC ay bubuwagin na ba ang Philippine National Police at kung ibabalik ang dating INP o Integrated National Police
Hindi rin aniya malinaw kung gagawin ba muling lokal ang hurisdiksyon ng mga pulis kapag ibinalik ang PC
Una nang inihayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na nais niyang buhayin ang PC para madagdagan ang tropa ng gobyerno sa paglaban sa terorismo, iligal na droga at iba pang uri ng krimen
By: Judith Larino