Ikinukunsidera ng palasyo ng Malakanyang ang pagbuhay sa Philippine Constabulary o PC.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagmungkahi na buhayin ang PC matapos ang joint command conference na ginawa sa Malakanyang noong linggo kasama ang AFP at PNP.
Ayon kay Abella, sakaling matuloy ang pagbuhay sa PC, pawang mga sundalo ang magiging miyembro nito at pangangasiwaan ito ng Armed Forces of the Philippines.
Tutulong aniya ang PC sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na magsagawa ng anti-illegal drug campaign matapos suspendihin ng PNP ang kanilang Oplan Tokhang o anti-illegal drug campaign.
Sinabi pa ni Abella na magiging national ang scope ng PC habang magiging localized na ang scope ng Philippine National Police sa mga isasagawang operasyon nito.
Gayunman, sinabi ni Abella na sa ngayon ay wala pang itinatakdang deadline ang Pangulo kung kalian mabubuo ang PC.
By: Meann Tanbio