Isinusulong ni Senator Nancy Binay na buhaying muli ang Peoples’ Law Enforcement Board (PLEB) sa mga lokal na pamahalaan para makatulong na tumugon sa mga reklmao kontra sa mga tiwaling pulis.
Ito’y kaugnay ng kinasangkutang krimen ng isang pulis sa Paniqui Tarlac.
Ayon kay binay malaki ang maitutulong ng PLEB para matiyak na maagap at patas ang magiging desisyon sa mga kaso.
Sa ngayon kasi aniya ay makikitang mabagal pa rin ang pag usad ng kasong hinahawakan ng Internal Affairs Service ng PNP.
Dahil dito umano ay maraming tiwaling pulis ang nananatili pa rin sa serbisyo.
Ang PLEB ay itinatag nuong 1990 sa pamamagitan ng republic act 6975 kung saan binibigyang otoridad na dinggin at desisyunan ang mga reklamo laban sa mga tiwaling opisyal at miyembro ng PNP.