Umaasa si Vice President-elect Sara Duterte-Carpio na magiging priority sa susunod na administrasyon ang pagbabalik ng mandatory Reserve Officer Training Corps (ROTC).
Ayon kay Duterte-Carpio, ang Presidente at kongreso ang nagdedesisyon sa mga executive at legislative agenda.
Kaya hiling ni Duterte-Carpio na maisama sa legislative agenda ang ROTC lalo’t maraming pending bills ang may kaugnayan dito.
Noong Enero, una nang sinabi ni Duterte-Carpio na sa oras na manalong bise-presidente ay isusulong niya ang mandatoryong military service para sa lahat ng kabataang Pilipino na tutuntong sa edad na 18, babae man o lalaki.
Ang mga panukala sa pagbuhay ng ROTC ay kailangang ihain muli sa 19th congress at sumailalim sa proseso ng paggawa ang batas.