Kinondena ng ilang rights advocate at makakaliwang grupo ang paglusot sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ng panukalang ibalik ang mandatory Reserve Officers Training Corps program para sa grades 11 at 12 students sa public at private schools.
Sa botong 167-4 at walang abstention, inaprubahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill 8961.
Ayon kay Kabataan Partylist Rep. Sara Elago, kailangan munang marinig ang mga stakeholder bago tuluyang ipasa ang nasabing panukala.
Bukod sa Kabataan, tutol din ang grupong Anakbayan at Gabriela Women’s Party sa pag-apruba ng Kamara sa naturang panukala dahil umano sa kakulangan ng mga debate.
“Minadali yung pagpasa eh, hindi pa naririnig lahat nung stakeholders, hindi pa nakakapagpasa yung mga sa K to 12, CAdT, NSTP at even yung mga sagot mismo doon sa mga nilapit nating kaso ng hazing, corruption, mga abuses sa ROTC program. Pinasa natin ito sa DND ngunit hanggang ngayon ay wala paring resulta.”- Pahayag ni Kabataan Partylist Rep. Sarah Elago
(Ratsada Balita interview)