Asahan na ang pagbuhos ng COVID -19 vaccines na gawa ng Pfizer at Moderna sa mga susunod na araw.
Tiniyak ito sa DWIZ ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Babes Romualdez matapos dumating kagabi ang 250K doses ng Moderna vaccines.
Ayon kay Romualdez, sa susunod na linggo ay mapapasakamay din ng bansa ang 100K doses ng Moderna vaccines na ikalawang batch at sa kalagitnaan naman ng Hulyo ang panibagong supply ng Pfizer vaccines ang makukuha ng bansa.
Papalo aniya sa lima hanggang walong milyong doses ng Pfizer vaccines ang mapapasakamay ng bansa simula sa buwan ng Agosto.