Iimbestigahan na ng Department of Agriculture ang pagdagsa ng smuggled carrots sa mga pamilihan.
Ayon kay DA Spokesman Noel Reyes, makikipag-ugnayan sila sa Department of Trade and Industry, Bureau of Customs at Bureau of Internal Revenue upang maglunsad ng imbestigasyon.
Kabilang anya sa kanilang tinututukan ang Divisoria, Maynila kung saan napaulat na ilan umanong warehouse ang naglalabas ng puslit na gulay tulad ng carrots na ibinabagsak sa ilan pang palengke.
Binigyang-diin ng DA official na ang pagpasok ng mga sariwang gulay mula sa ibang bansa ay ipinagbabawal at tanging binibigyan ng permit ng bureau of plant industry ay frozen mixed at processed vegetables.
Samantala, binalaan naman ni Reyes ang publiko sa pagbili ng puslit na sariwang gulaylalo’t hindi dumaan ang mga ito sa food safety regulations.—sa panulat ni Drew Nacino